Tuesday, March 24, 2026

Tama o Mali?

Kapag ang isang tao ay nagkamali, dapat ba siyang bigyan ng isa pang pagkakataon para maituwid ang maling nagawa?

Oo? Hindi? Depende?

Kung anuman ang iyong sagot, may dalawang bagay na hindi napagkaila: una, ang tao ay maaaring magkamali; pangalawa, ang mali ay may karampatang tama. 

Ano ang halaga na pagisipan ang tanong na ito? Mahalaga ito para bigyang ebidensiya ang ating pananaw tungkol sa moralidad. Sa panahon ngayon na tila ang bukambibig ng marami ay "wala namang tama o mali" o "lahat naman tayo nagkakamali" o di kaya ay "kanya kanya naman yan wag tayong maghusga" na para bang katumbas ng ating hindi perpektong kaalaman sa tama at mali ay ang lisensya upang bumitiw sa moralidad, dapat isipin na hindi man natin alam ang lahat ay may alam pa rin tayo.

Dapat ay alam natin ang tama sa mali. Dahil kung totoo na ang pagiging tama o mali ay nasa kanya kanyang interpretasyon lamang natin, ano ang humahadlang na sa oras na ito mismo ay bawiin sayo lahat ng sa tingin mo ay tama sa buhay mo? Kung mayroon tayong lisensya na gumawa ng anuman kahit masama sa ibang tao, ano ang pumipigil sa ibang tao na gumawa ng masama sayo? Kapag gumawa tayong lahat ng kasamaan, ano ang mangyayari sa mundo? Di na kailangan lumayo pa ang isip para matanto ang sagot dito.

Kahit hindi natin alam ang lahat, mayroon tayong alam. Kahit hindi tayo perpekto, marapat pa rin magsumikap abutin ito. Dahil kapag ginawan mo ng masama ang sinumang tao, binubuksan mo ang pagkakataong may magawang masama sayo. Ang kabaliktaran ay totoo rin. Gumawa ng kabutihan at ito ay magbubunga ng mas maraming mabuti.

Ngunit, ang pagsisikap maging mabuti at pag-abot sa huwangis ng perpeksyon ay hindi nangangahulugan ng pagiging mapang-mata sa pagkukulang ng iba o ng sarili man. May kanya kanya tayong gusto at ayaw sa buhay. Ika nga ng Ama ng Sikolohiyang Pilipino na si Dr. Virgilio Enriquez, may dahilan ka kung hindi mo gusto maki-sama, ngunit walang dahilan ang sinuman na hindi makipag-kapwa.

Tama o Mali?

Kapag ang isang tao ay nagkamali, dapat ba siyang bigyan ng isa pang pagkakataon para maituwid ang maling nagawa? Oo? Hindi? Depende? Kung a...