Kalakip sa blog entry na ito ang isang artikulo tungkol sa pagsusuri sa low levels of trait Agreeableness bilang moderator sa relasyon ng psychological distress at attitude towards professional psychological help-seeking.
Ang pag-aaral na ito ay hango sa aking master's thesis. Ang aking master's thesis ay mayroong kategoryang "bukas sa lahat" at maaaring ma-access (ayon sa batas) sa ilang pambulikong silid-aklatan. Kung kaya, naniniwala ako na ang pagsa-sapubliko ng pag-aaral na ito sa blog ay walang linyang hinahakbangan nang hindi dapat. Naniniwala rin ako na ito ay maka-aambag sa literatura at kaalaman sa Sikolohiyang Pilipino, kahit pa sa maliit lamang na kapasidad, at kahit pa hindi mula sa isang opisiyal na publikasyon. Ang kaalaman ay dapat libre, malaya, at bukas sa lahat, lalo na sa isang disiplina tulad ng SP na nasa proseso ng pagbuo ng mas matatag nitong pundasyon bilang isang natatanging disiplina sa loob ng mas malawak na disiplina ng sikolohiya.
Ang artikulo ay nakasulat sa wikang Pilipino. Sa mga interesado itong basahin, narito ang link sa file: https://drive.google.com/Pagsusuri sa Mababang Antas ng Agreeableness bilang Moderator...